Apendisitis
Sa kanang bahagi ng singit, may isang ugat na halos kasinglaki ng dulo ng daliri. Kadalasan, dahil sa kapansanan ng sistemang panunaw at dumi sa sikmura, napupuno ng hangin ang ugat na ito o nabubulok ang mga natirang pagkain. Kapag nakalabas ang hangin (utot) at nakadumi, malaki ang naibabawas sa sakit. Ang espirituwal na lunas ay ang mga sumusunod:
Gamit ang dilaw na pangkulay ng pagkain o itim na tinta (ang ginagamit sa pagsusulat sa tabla), isulat nang dalawampu’t isang (21) beses ang
رِیَا حِیْنَ مَاءٍ
sa isang malaking puting porselanang plato. Banlawan ito ng tubig, pagkatapos ay ihalo ang tubig na iyon sa dalawang pitsel ng malamig na tubig at ibuhos sa bahaging masakit. Gawin ang prosesong ito tatlong beses sa loob ng dalawampu’t apat (24) na oras.